CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatanggap na umano ng ‘indirect death threats’ ang pamilya ng dating sundalo na kabilang sa armadong kalalakihan na umano’y umatake kay late Negros Oriental Governor Roel Degamo mismo sa pamamahay nito sa bayan ng Pamplona
Ito ang paglalahad ni Gng.Salome Labrador sa Bombo Radyo ilang oras matapos pumutok ang nangyari kay Degamo at kabilang ang mister na si former Sgt.Joric Labrador na residente sa Barangay Patag,Cagayan de Oro City.
Sinabi sa maybahay ng suspek na maging sa social media ay nakatanggap na ng hindi kanais-nais na mga mensahe ang kanyang mga anak patungkol sa pangyayari.
Kinompirma rin nito na matagal nang discharge from the service ang suspek ng pagiging sundalo sa 4th ID,Philippine Army at ruma-raket na lang ito ng pagbibigay security escort sa ilang elected officials na nangangailanga ng serbisyo nito.
Kaugnay nito,limitado na muna ang paglabas ng kanilang pamilya dahil sa nakakalungkot na sinapit ng gobernador at 10 iba pa na kabilang sa nasawi noong maganap ang madugo na pangyayari noong Sabado ng umaga.