Plano ngayong ng pamilya ng negosyanteng si Allan Fajardo na magsampa ng kaso laban sa hotel kung saan naganap ang pagdukot sa negosyante.
Sinabi ng kanilang abogado na si Ferdinand Topacio, makikitang nagkaroon ng kapabayaan ang management ng Seda hotel dahil sa kakulangan ng security na itinalaga.
Malinaw na nagkulang ang securities na mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga empleyado.
Magugunitang dinukot ng mga armadong kalalakihan si Fajardo kasama ang driver nitong si Ricky Atienza habang nasa loob ng hotel noong nakaraang Linggo.
Itinaas na rin ng pamilya sa P2 milyon ang pabuya sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga suspek at biktima.
Si Fajardo na dating aide ng pinaslang na si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas ay idinadawit sa iligal na droga.