GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit binantayan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang burol ni Christine Angeline Dacera para masunod ang mga health protocol para iwas sa pandemya.
Mismong si Dr. Agripino Dacera ang pinsang buo ng ama ni Christine para bantayan ang mga magsidalaw sa namatay na flight attendant.
Kinumpirma din ni Dr Dacera na siyang hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) at miyembro din ng IATF na sinailalim sa 14 days quarantine ang miyembro ng pamilya Dacera mula ng dumating ng lungsod.
Nang dumalaw umano si Sharon Rose Dacera sa burol ng anak binigyan lamang ito ng 15 minuto habang bitbit nito ang negative result ng antigen mula sa Manila.
Habang 10 minuto ang limit para sa mga kaibigan at mga bisita habang hinahanapan sila ng QR code at pagsusuot ng face mask at face shield ang mahigpit namang pinapatupad.
Bukas ihatid na sa kanyang huling hantungan si Christine sa Forest lake cemetery dito sa lungsod.