-- Advertisements --
image 173

Nakaalis na ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi patungong United States ,para sa kanyang pagsasanay sa Miss Universe na gaganapin sa January 2023.

Ang 71st edition ng Miss Universe pageant ay mangyayari sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana sa US.

Mayroong walumpu’t anim na kalahok ang maglalaban-laban para sa titulong Miss Universe 2022 na papalit kay Harnaaz Sandhu ng India.

Target ni Cortesi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas, kasunod ng mga panalo nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Dati nang kinatawan ng Filipino-Italian Cortesti ang Pilipinas sa Miss Earth 2018 pageant, kung saan nagtapos siya sa top 8. (report from Bombo Chill Emprido)