CENTRAL MINDANAO-Hindi na rarampa sa Miss Earth Philippines 2022 stage ang sana’y pambato ng bayan ng Midsayap Cotabato na si Alexandra Jean Bejarin.
Ang dahilan – height requirement o kinulang sa taas ang dalaga.
Nakasaad kasi sa requirement na dapat mayroong minimum height na 5 foot 4 ang taas.
Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni MPE organizer Lorraine Schuck na pinanindigan nila ang kanilang desisyon dahil sa batikos na kanilang natatanggap.
Paglilinaw pa ni Schuck na kahit na marami ang nananawagan na tanggalin na ang height requirement ay hindi nila ito gagawin dahil sa matagal na nila itong ipinapatupad.
Pinasalamatan na lamang nito ang mga tinanggal na kandidata at tiniyak nito na mananatili ang mga larawan at videos ng mga ito sa MPE websites at mga social media pages nila.
Nabatid na maliban kay Alexandra , tanggal din sa MPE dahil sa kaparehong dahilan sina Angela Okol ng Surigao, Cess Cruz ng Antipolo, Renee Coleen Sta. Teresa ng Batangas at Dabuelle McJaye Dela Cruz ng Kauswagan, Lanao Del Norte.