-- Advertisements --

Tinanghal bilang 71st Miss World 2024 si Krystyna Pyszková ng Czech Republic.

Tinalo nito ang 111 na ibang mga kandidata sa buong mundo sa pageant na ginanap sa Mumbai, India.

Nabighani ang lahat sa sagot ng 23-anyos na law student at model ng Czech Republic kung saan nais nitong matanggal ang stigma at kahihiyan sa pagkakaroon ng menstruation.

Dagdag pa nito na ang pagiging babae ay isang regalo na at ang period aniya ay hindi dapat maging taboo subject.

Papalitan nito si outgoing Miss World Karolina Bielawska ng Poland.

Naging first runner up naman si Yasmina Zeytoun ng Lebanon habang si Aché Abrahams ng Trinidad and Tobago ay continental winner sa America at Lesego Chombo ng Botswana ay continental winner ng Africa.