Nagwagi bilang kauna-unahang Miss Philippines pageant si Alethea Ambrosio ng Bulacan.
Tinalo nito ang 20 iba pang mga kandidata sa kumpetisyon na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Martes ng gabi.
Magiging representative ito kasama ang iba pang Top 4 ng Miss Philippines 2023 sa international stage sa susunod ng taon.
Sa Pebrero 2024 ay magkakaroon ng ibang coronation kasama ang tatlo pang iba na sina Issa De Los Santos ng Mandaluyong, Chantal Schmidt ng Cebu City at Blessa Ericha Figueroa ng Northern California.
Hawak ng Miss Philippines ang franchises ng Miss Supranational, Miss Charm at Miss Asia Pacific International.
Binuo lamang ngayong taon ang Miss Philippines ang sister pageant ng Miss Universe Philippines.
Nagwagi naman bilang Mr. Philippines si Brandon Espiritu ng Guam.