-- Advertisements --

Itinalaga bilang fifth runner-up ng Miss Grand International ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong.

Kinumpirma ito ng MGI pageant sa kanilang social media nitong Linggo.

Papalitan nito si Yuvna Rinishta ng Mauritius na nagbitiw sa puwesto matapos ang tatlong araw ng siya koronahan.

Sinabi pa ng MGI na magiging bahagi si Tamondong sa Top 10 at ipagpapatuloy ang misyon nito sa MGI team sa loob ng isang taon.

Magugunitang nagtapos sa Top 20 si Tamondong at ang nagwagi ay si Isabella Menin ng Brazil.