-- Advertisements --
Magkakaroon ng bawas pasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na simula sa Pebrero ay babawasan nila ang ang fuel surcharge sa Level 5 mula sa dating Level 6 ngayong buwan.
Ito na ang pangalawang magkasunod na buwan na nagsagawa ng pagbabawas ng fuel surcharge ang CAB para mabigyan ang mga Filipino na makapagbiyahe sa ibang lugar.
Base sa matrix ng CAB sa Level 5 ang mga airlines ay maaaring makakolekta ng fuel surcharge ng P151 hanggang P543 para sa domestic flights at P498.03 hanggang P3,703.11 para sa mga international flighs.
Pinayuhan na rin ng CAB ang mga airline carriers na gamitin ang conversion rate na P55.64 sa bawat $1 para sa Pebrero.