GENERAL SANTOS CITY – May mino-monitor ng person of interest ang General Santos City Police Office sa kaso ng pagkamatay ng isang intel officer ng San Isidro Police Station sa Sarangani.

Ayon kay General Santos police director Col. Aden Lagraadante, posibleng may kinalaman sa trabaho ng pinatay na si police Master Sgt. Emmanuel Coronado bilang chief intel officer ang krimen.

Kung maaalala, binaril ng riding in tandem suspects ang pulis habang nasa loob ito ng kanyang kotse.

Sa ngayon nagpapagaling pa sa ospital ang tatlong anak ni Coronado na nadamay sa pamamaril.

Inatasan na rin daw ng pulisya ang mga lokal na pulis para malutas ang kaso.