sisimulan na ngayong araw ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag-arangkada na ng programang pagbibigay subsidiya para sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Batay sa pagtaya ng tanggapan, posibleng aabot sa 1.36million na operator sa buong bansa ang makakatanggap ng subsidiya.
Ito ay idadaan naman sa pamamagitan ng digital platform.
Nauna nang sinabi ng LTFRB na ang paglalaan ng tulong para sa mga tsuper at operator ay upang maibsan ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa.
Maalalang nagtaas ang mga petroleum companies ng presyo ng kanilang mga panindang petrolyo sa loob ng sampung magkakasunod na linggo.
Maliban dito, malaki din umano ang posibilidad na mauulit ang pagtaas sa susunod na linggo, dahil pa rin sa nagpapatuloy na paggalaw ng presyu ng krudo sa pandaigdigang merkado.