Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagpapatuloy na ang pamamahagi ng Pantawid Pasada o fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng 2023 budget.
Ito ay upang matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng mga operator at tsuper sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Inaasahang nasa 1.6 million PUV drivers at operators ang makakatanggap ng fuel subsidy kabilang ang kwalipikadong operator ng ilang pampublikong sasakayan tulad ng Public Utility Jeepneys (tradisyunal man o modern), Public Utility Bus, Taxi, UV Express, Delivery Service, at Tricycles.
Ipapamahagi ang Pantawid pasada sa pamamagitan ng digital banking services gaya ng e-wallet, bank accounts, o Fuel Subsidy Card na maaaring gamitin sa ilang piling gasolinahan.
Sa ngayon, inaantay pa ng ahensiya na mai-download ang pondo mula sa Department of Budget and Management at kapag natanggap ito maglalabas ng gudelines ang kagawaran kaugnay sa pamamahagi ng subsidiya.