-- Advertisements --

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na masimulan na bukas, Agosto 7, ang pamamahagi ng ayuda para sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, sa ilalim ng memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang pondo para sa ayuda ay direktang ililipas sa local government unit (LGUs).

Sa oras na mailibas na ang circular at notice of cash allocation, na inaasahang maibibigay ngayong araw, maari nang simulan ng LGUs ang pamamahagi ng ayuda sa sumunod na araw mismo.

Dipende na rin aniya sa mga local government units kung paano nila ibibigay ng mabilis ang ayudang ito.

Pero para kay Dumlao, wala namang malaking pagbabago sa prosesong ginamit ng pamahalaan nang unang ipinatpad ang ECQ.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ayuda na nagkakahalaga ng P1,000 kada indibidwal pero hindi naman lalagpas ng P4,000 kada household sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.