Kailangan na raw kumilos ang pamahalaan dahil na rin sa tumataas na bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte , partikular ditong dapat kumilos ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang panawagan na ito ng mambabatas ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng bansa sa Mental Health Awareness Month.
Kasabay nito, itinutulak din ng mambabatas na bumuo ng inter-agency task force para ma-mitigate ang student suicide cases.
Inihalimbawa pa ng mambabatas ang napaulat na paglalabas kasabay ng World Mental Health Day ng University of the Philippines Population Institute na halos nadoble ang kaso ng pagpapakamatay ng mga estudyante mula 2013 hanggang 2021 partikular ang mga teens at young adults na may edad 15 years hanggnag 25 years na nakararanas ng “suicidal ideation.”
Ang Suicidal ideation ay sintimoas ng major emotional depression o mental illness na mayroong character na suicidal thoughts o ang pag-iisip ng isang bata na wakasan na lamang ang kanyang buhay.
Aniya ang mental health issues lalo na sa mga kabataan ay ay pinalala pa lalo ng mga ipinatupad na mga lockdowns o mobility restrictions na resulta ng Coronavirus disease 2019 pandemic.
Dahil umano rito ay napilitan ang mga estudyantye at mga teenagers na hindi na pumasok at na-isolate ang kanilang mga sarili sa kanilang mga bahay imbes na lalabas ang mga ito at mamamasyal kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sa ilalim ng panukala ng mambabatas, ang proposed task force ay isang naatasang magbantay sa mga estudyante para magkaroon ng awareness sa student suicide bilang isang seryosong public health issue at craft programs sa monitoring sa suicide ideation o suicidal thoughts sa mga estudyante.
Dapat din umano itong makapag-provide ng timely referrals para sa community-based mental health care at treatment ng mga estudyante sa risk ng emotional disorders na siyang nagiging mitsa sa suicide at mag-offer ng agarang suporta at information resources sa pamilya at kaibigan ng mga estudyanteng vulnerable sa suicide attempts.
Layon din ng bill na i-requires ang mga establishment ng timely response system para siguruhin ang mga guidance counselors at teachers na sila ay nasanay nang husto sa student suicide early intervention and prevention strategies.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na ang mental health ay dapat na maging global priority.