-- Advertisements --
PDEA

Itinigil ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pagbibigay ng suporta para sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulihan ng shabu at maaresto ang ilang ahente nito sa Bicutan kamakailan.

Sa inilabas na statement ng lokal na pamahalaan, k dismayado at inondena nito ang illegal drug activities ng PDEA Southern District Office sangkot ang mismong chief, 2 ahente at isang driver na inaresto sa mismong gusali na pagmamay-ari ng city government na nagsisilbing opisina ng PDEA doon. Isa aniya itong pagtataksil sa matas na kautusan.

Sinabi pa ng city government na ang criminal participation ng drug enforcers sa illegal drugs activities gamit ang mga pasilidad na ibinigay ng lungsod ay kasuklam-suklam at hindi katanggap-tanggap. Kung kayat inirerekonsidera ng lokal na pamahalaan ang pagpapahiram ng gusali sa PDEA dahil sa pagkakasangkot ng mga opisyal ng PDEA sa illegal drug trade na tungkulin nilang supilin.

Giit pa ng city government na dapat mapanagot sa batas ang mga sangkot.

Ayon sa LGU, kanilang ibinigay ang naturang gusali sa PDEA noong 2018 bilang suporta sa ahensiya.

Subalit, nag-iba ang ihip ng hangin matapos ang insidente kung saan pinababalik na ng LGU ang headquarters sa lungsod para magamit sa ibang public use.

Sa oras naman na maipakita ng ahensiya ang seryosong efforts nito para masugpo ang scalawags o mga tiwaling tauhan ng ahensiya saka ibabalik ng lungsod ang suporta sa PDEA.

Matatandaan na noong December 7, nagkasa ng buy-bust operation ang kapulisan sa Barangay Upper Bicutan kung nasaan sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, mga ahente na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno at ang driver na si Mark Warren Mallo.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang Php 9.18 million halaga ng shabu, 4 na baril,timbangan at buy bust money.