Umaasa ang pamahalaan na lalo pang mapapataas ang export ng mga produkto at iba pang serbisyo ng hanggang limang porsyento ngayonmg taon, kumpara noong 2022.
Ayon kay Ceferino Rodolfo, undersecretary ng Department of Trade and Industry(DTI), bagaman, mababa ang projection ngayong taon para sa Pilipinas, nananatili pa rin ang bansa bilang isa sa may pinakamagandang performance kumpara sa iba pang mag katabi nitong bansa.
Noong 2022, umabot aniya sa $98 billion ang naging export value ng bansa habang $103 billion naman ang kanilang target para sa kasalukuyang taon.
Sa kabila ng 5% na target growth, mas mababa pa rin ito ng $24 billion mula sa $127 billion na unang target sa ilalim ng Philippine Export Development Plan (PEDP).
Isa sa mga inaasahan nilang mangunguna sa ilalim nito ay ang service, na siyang posibleng magpapa-angat sa export growth ng Pilipinas.
Malaki rin aniya ang bentahe ng Pilipinas pagdating sa ibat ibang produkto mula dito sa bansa, na isa sa patuloy na nagpapa-angat sa kabuuang export dito sa bansa.