-- Advertisements --
oil spill in Naujan

Inanusiyo ng Palasyo Malacanang na makukumplto ang huling bahagi ng oil spill cleanup sa Oriental Mindoro.

Ginawa ni Communication Secretary Cheloy Garafil ang naturang pagtitiyak matapos dumating na sa may Riviera Pier sa Subic Bay Freeport Zone ang dynamic support vessel (DSV) na gagamitin para sipsipin ang natitira mula sa 800,000 litro ng industrial fuel mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ayon pa kay Garafil na ang dynamic support vessel Fire opal ang siyang taapos sa last phase ng cleanup ng tumagas na langis at posibleng aabutin ng 20 hanggang 30 araw ang clean up operation.

Inaasahang darating ang naturang vessel sa may Batangas araw ng Lunes, Mayo 29 saka ito tutungo sa mission area.

Base sa datos noong Mayo 10, nasa 84 percent, o 62.95 km. ng 74.71-km. shoreline na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro province ang nalinis na batay sa report na isinumite ni Department of National Defense chief Carlito Galvez Jr. sa Pangulo.