-- Advertisements --
PBBM10 1

Sa gitna ng nagpapatuloy na paghinto ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Oriental Mindoro dahil sa malawakang pinsala ng oil spill, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipag-usap sa mga lokal na pamahalaan upang talakayin ang mga alternatibong fishing grounds para makapangisda ang mga apektadong mga residente.

Ang mga natukoy na apat na alternatibong fishing sites ay sa Calabarzon at Mimaropa regions kabilang sa Mindoro Strait sa Oriental Mindoro, Cuyo Pass sa lalawigan ng Batangas, Tablas Strait sa Romblon at Tayabas Bay sa Quezon.

Ang hakbang na ito ay kasabay ng kanyang pagbisita ng Pangulo sa oriental Mindoro para i-assess ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng oil spill.

Ayon sa Pangulo patuloy ang pagmonitor ng DENR at BFAR sa sitwasyon sa mga affected area.