Umaapela na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na maging volunteer para sa COVID-19 “National Vaccination Day (NVD)’’ mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailanga ng maraming mga volunteers, lalo na sa mayroong medical backgrounds, para tumulong sa mahigit 12,000 vaccination sites sa buong bansa para sa aniya’y “most ambitious” vaccination undertaking ng pamahalaan.
Ayon kay Año, ang mga state o private colleges at universities, lalo na ang mayroong medical at nursing courses, ay dapat na magpadala ng mga doktor, nurses, at nursing students para tumulong sa mga LGUs sa tatlong araw na “Bayanihan Bakunahan” na ito.
Sa ngayon, kumikilos na ang mga barangay officials at baranga-based institutions para makapanghikayat ng napakaraming tao sa 12,000 proposed vaccination sites.
Nabatid na kabilang sa mga volunteers na kailangan para sa NVD vaccination teams ay ang mga medical doctors, nurses, pharmacists, dentists, midwives, first esponders, paramedics, ibang health professionals, teachers at professors.
Itatalaga sila bilang health screeners, vaccinators, post vaccination monitors at health educators.
Para naman sa NVD management team, ang mga volunteers na kailangan ay mga data professionals, teachers at school personnel, accountants, students, government employees, Sangguniang Kabataan o sinumang willing at trained data personnel at volunteers na itatalaga naman bilang encoders o talliers o data consolidators.