Nangako ang pamahalaan na papaspasan ang road projects matapos manguna ang Metro Manila sa listahan na may worst traffic mula sa mga metro areas sa buong mundo noong 2023.
Kasabay ng pagfast-track sa mga proyekto, makikipagtulungan din ang pamahalaan sa kaukulang mga ahensiya sa tulong ng mga pribadong sektor.
Ayon sa Transportation department, ang ranggo ng capital region sa inilabas na TomTom Traffic Index 2023 ay nagdudulot ng mga hamon para sa ahensiya at sa buong gobyerno.
Lumalabas din na nasa 117 oras ang nawawala kada taon sa mga motorista at mananakay dahil sa mabigat na daloy ng trapiko tuwing rush hours.
Sumunod naman sa Metro Manila ang Lima sa Peru sa TomTom list na may worst traffic, sinundan ng Bengaluru sa India, Sapporo sa Japan at Bogota sa Colombia.
Samantala mula sa lahat ng city centers sa buong mundo, ang London ang may pinakamalalang trapiko sa buong mundo habang pang-9 naman ang Metro Manila.