Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan sa paghahanda sa posibleng malakas na lindol na maaaring tumama sa bansa.
Ginawa ni OCD Joint Information Center head Diego Mariano ang naturang pahayag kasunod ng pagtama ng malakas na lindol na 7.8-magnitude sa Turkey at Syria na nag-iwan na ng kulang-kulang na 8,000 death toll.
Ayon kay , batid aniya ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng lindol dahil ang bansa ay nasa Pacific ring of fire kayat palagi nilang pinaghahandaan ang ganitong mga kalamidad.
Kabilang sa mga paghahandang ito ay ang pagsasagawa ng national simultaneous earthquake drills kada quarter kung saan sinasanay ang publiko para sa evacuations at sa duck, cover at hold protocol.
Sa pamamagitan din aniya ng naturang drill, matutukoy ng mga awtoridad kung anong mga angkop na polisiya at equipment ang kailangang ma-develop.
Pinaplantsa na rin ng pamahalaan ang paggawa ng mapa sa mga lugar na nasa active faults na maaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan para masuri ang nasabing mapa sa pagpapatupad ng land use sa kanilang nasaskupang mga lugar.
Ipinunti rin ng OCD official ang kahalagahan ng National Building Code kung saan dapat na magtayo ng bagong mga struktura alinsunod sa nasabing guidlines para matiyak na makayanan ng mga gusaling ito ang malakas na lindol para ma-minimize ang casualties.