-- Advertisements --
image 463

Hinimok ng grupo ng mga mangingisda ang pamahalaan na magsagawa ng karagdagang damage assessment sa mga coral sa Rozul reef.

Kaugnay nito, nagbabala si Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) Vice Chair for Luzon Bobby Roldan na maaaring abutin ng hanggang 20 taon bago makarekober ang coral reef base sa pag-aaral ng grupong AGHAM.

Iginiit ng grupo na may pangangailangang matukoy kung ang lugar kung saan nagkumpulan ang Chinese maritime militia ay subject sa coral harvesting, clam hunting o anumang military activities na nakapinsala sa malawak na coral reefs.

Kayat hinikayat ng grupo ang Marcos adminsitration na agad aksiyunan ang naturang usapin sa pamamagitan ng pag-tap sa marine scientists at iba pang mga dalubhasa para malawakang ma-assess ang pinsala at ang posibleng pangmatagalang implikasyon nito sa local fishery production ng bansa.

Sinabi din ng grupo na kailangan ng pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo para sa science at research sectors.