CENTRAL MINDANAO- Sumiklab ang malaking apoy sa malawak na palm oil plantation sa Brgy Gambudes Arakan North Cotabato.

Ang Palm Oil Plantation ay pagmamay-ari ni Matalam Municipal Councilor Jemlo Amatac.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Arakan Cotabato na nakatanggap sila ng ulat sa malaking sunog sa Brgy Gambudes Arakan at hangganan ng Bukidnon at Marilog District Davao City.

Agad na nagresponde ang mga pamatay sunog ngunit hirap silang apulahin ang apoy dahil pati bundok ay nasusunog na rin.

Sa ngayon ay nagtulungan ang mga pamatay sunog mula sa Davao City,Arakan,Bukidnon at pati mga residente sa lugar ay tumulong na rin para apulahin ang apoy.