-- Advertisements --

Binatikos ng Palestinian ambassador to United Nation ang patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.

Sa talumpati ni Majed Bamya sa UN Security Council, na ang malawakang pagkasira sa Gaza dahil sa operasyon sa Israel ay nagpapakita ng kanilang pakay na palayasin ang mga Palestino.

Dagdag pa nito na nais umano ng Israel na wala ng mababalikan na bahay ang mga Palestino sa Gaza.

Nais din aniya ng Israel na imposible na ang mabuhay pa sa Israel kaya isinasagawa nila ang malawakang pag-atake sa Gaza.

Magugunitang maraming mga residente ng Gaza ang napilitang lumikas dahil sa pinaigting na pag-atake ng Israel laban sa mga Hamas.