Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na nasasawi sa Gaza City nang dahil pa rin sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.
Ito ay matapos na pumalo na sa mahigit 20,000 Palestinian na ang binawian ng buhay nang dahil pa rin sa mas pinalawak na pag-atakeng ginagawa ng puwersa ng Israel.
Batay sa ulat na inilabas ng United Nations at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang mga ginagawang aerial and ground offensive ng Israel ang isa sa mga pinakamapaminsalang pag-atake ng militar sa kanilang kasaysayan.
Nagresulta ito ng pagkawala ng matitirahan ng halos 85% ng kabuuang 2.3 million na populasyon snag Gaza, at nagdulot din ng kakulangan sa pagkain at taggutom ng nasa mahigit kalahating milyong katao sa nasabing mga apektadong lugar.
Kung maaalala, nagsimula ang lahat ng ito nang magdeklara ng giyera ang Israel laban sa Hamas militants matapos ang pag-atake nito sa ilang bahagi ng Israel noong Oktubre 7, 2023 na kumitil sa buhay ng mahigit 1,200 indibidwal, at bumihag din ng nasa 240 sibilyan.