Nagkasagupa ang mga Palestinian at Israeli forces sa al-Aqsa mosque sa Jerusalem.
Makikita sa mga kumalat na videos sa social media na nagsimulang paulanan ng bato at mga firecrackers ng mga Palestines ang mga Israeli security forces sa bukana pa lamang ng mosque.
Gumanti ang mga Israeli security forces kung saan gumamit ang mga ito ng stun grenades at tear gas.
Nagkaroon din ng sagupaan sa bukana ng Lion’s Gate entrance ng lungsod.
Ayon naman sa Palestinian Red Cresent na mayroong mahigit 150 na mga katao ang dinala na nila sa pagamutan matapos na magtamo ng sugat mula sa rubber bullets at stun grenades ganun din mula sa pananakit ng mga kapulisan.
Base naman sa mga Israeli police na mayroong mahigit 300 ang kanilang inaresto.
Inakusahan ng Hamas militant sang Israel ng mga serye ng paglikha ng tensiyon sa Jerusalem.