DAVAO CITY – Hanggang sa araw ng huwebes, Disyembre 18 temporaryo na ipapasara ang palengke ng Panabo City , Davao de Norte matapos na ikinonsidera itong hotspot ng local transmission.
Una ng nagsagawa ng pagpupulong ang Panabo City Inter-Agency Task Force (IATF) at mga opisyal ng probinsiya matapos sinabi ng City Health Office (CHO) na sa 117 na nagpositibo sa isinagawang Aggressive Community Testing, 51 nito ay may exposure o travel history sa nasabibng palengke.
Mismong si Governor Edwin Jubahib sa pagpanguna ng IATF na mabuting isuspende muna ang operasyon sa palengke.
Kahapon sinimulan ang pagsara sa wet market para sa isasagawang disinfections.
Tiniyak naman ng CHO na patuloy nilang imomonitor ang mga tao na nahawa sa virus kung saan kaagapay nila ang mga barangay health workers.