-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bagsak presyo pa rin ang bentahan ng palay sa maraming lalawigan sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Department of Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, sinabi nito na may mga magsasaka na nagbebenta ng kanilang palay sa halagang P19.00 kada kilo.

Anya, lugi na ang magsasaka kung ganito ang bentahan ng kada kilo ng bagong ani na palay.

Itinuturong dahilan sa bagsak presyo ng pala ay ang marami at murang imported na bigas na nagkalat sa merkado.

Hinimok naman ni Reyes na gayahin ng ibang local government unit ang ginagawa ng ibang lokal na pamahalaan kung saan binibili nila ang palay ng mga magsasaka sa tamang halaga upang ipamahagi naman na ayuda.