-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, pati na ang Palawan sa Luzon dahil sa malalakas na buhos ng ulang dala ng low pressure area (LPA).
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 335 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa ng LPA na maging bagong bagyo.
Samantala, asahan din ang mga biglaang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa shear line o ang extension ng frontal system.