Hinikayat ng Palasyo si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na malaya itong magbitiw sa puwesto at maghain ng reklamo sa alegasyon nitong talamak ang kurapsyon sa nasabing ahensiya.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, na tiyak na ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon kapag may pormal na kaso itong inihain.

Naniniwala si Panelo na seryoso ang alegasyon ni Cam na dapat huwag balewalahin.


Nauna rito nanawagan si Cam kay Pangulong Duterte na tanggalin na siya sa puwesto dahil sa hindi na nito masikmura ang mga nagaganap na kurapsyon sa PCSO.