-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinontra ng Filipino owned jeep manufacturing company ang isinulong ng gobyerno na paggamit ng imported mini-buses bilang bahagi ng public transport modernization program sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,iminungkahi ni Francisco Motors Corporation owner Elmer Francisco na magandang programa ang pagkakaroon ng makabago at modernong uri ng mga pampublikong sasakyan subalit sana naman ay gawang Pinoy at hindi banyaga.

Sinabi nito na dapat ang mga kababayang Pinoy ang makikinabang at hindi ang mga banyaga kung talagang seryoso ang gobyerno para sa pagpapaunlad sa sektor ng transportasyon.

Dagdag ni Francisco na dapat sana gawin ng pamahalaan ay tulungan matustusan ang Filipin-made car brands upang hindi hanggang aasa ng aasa ang Pilipinas sa imported products na hayagang taga-ibang mga bansa ang nakikinabang.

Nilinaw nito na suportado ng kanilang kompanya ang modernisasyon subalit dapat pananatilihin ang iconic jeepneys at ipalago dahil naglalarawan ito sa matagal ng kasaysayan sa transportasyon patungkol sa Pilipinas.