Nagpalipad ng retaliatory missiles ang Pakistan, 2 araw matapos maglunsad ng strike ang Iran, na tumama sa dalawng lalawigan sa naturang bansa.
Nilinaw ng Pakistan na nirerespeto nila ang soberanya ng Iran at ang mga karapatan nito sa teritoryo.
Paraan lamang ang pagsagawa nila ng retaliatory strike para protektahan ang pambansang kapayapaan,
Nagresulta ang naunang strike ng Iran patungong Pakistan ng pagkitil sa buhay ng dalawang bata.
Habang ang ganting pagpapalipad ng missile ng Pakistan ay kumitil ng apat na bata at tatlong babae.
Iginiit ng Iran na ang teroristang grupo lamang na Jaish al-Adl ang target nila sa naunang strike, at hindi ang mga inosenteng mamamayan ng Pakistan.
Ngunit duda ang capital ng Pakistan na Islamabad sa intensyon ng Iran, dahil may mga communication channels naman na pwedeng gamitin ng Iran para makipag-ugnayan sa Pakistan.
Lalo na’t nasasangkot din ang Iran sa mga umaatikabong giyerahan sa ilang bansa sa middle-east.
Tiniyak naman naman ng Iran sa Pakistan na wala silang intensyon na palawakin pa ang mga naturang strike.