-- Advertisements --

Nanindigan ang Pakistan na magpapatuloy pa rin sila sa negosasyon ng US at Iran.

Sinabi ni Foreign Office spokesperson Tahir Andrabi na anumang hadlang ay nais nilang tuluyang matapos ang giyera.

Ang nasabing pahayag ay matapos ang banta ni US President Donald Trump na itutuloy nila ang pagbomba sa Iran.

Naniniwala ito na pinagkakatiwalaan sila ng Iran dahil sa pagiging neutral ng Pakistan.

Sa katunayan aniya ay pinayagan ng Iran na makadaan ang 20 barko ng Pakistan sa Strait of Hormuz.