-- Advertisements --
Inatasan na ng Pakistan ang nasa mahigit 1.7 milyon na mga Afghanistan asylum seekers na lumayas sa kanilang bansa ng hanggang Nobyembre.
Itinuturong dahilan ay ang muling pagsiklab ng kaguluhan sa border ng dalawang bansa.
Isinisi ng Pakistan ang mga Afghanistan-based operatives.
Inanunsiyo din ng Pakistan na maghihigpit siila sa mga iligal na migrants.
Mariing itinanggi ng Afghanistan na kanilang kinukopkop ang mga militants na target na atakihin ang Pakistan.