-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at tulong sa mga pamilya ng 19 na mag-aaral at 2 guro na nasawi sa pamamaril sa isang paaralan sa Uvalde, Texas.

Unang nag-paabot ng pakikiramay si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at ang Mexico Government dahil marami sa mga naninirahan sa Uvalde ay pawang mga may lahing Mexican.

Maging si Pope Francis ay labis na nalungkot sa nangyaring pamamaril sa Robb Elementary school.

Hiling nito na dapat itigil na ang mga pagbebenta ng mga armas.

Sa harap ng mga mananampalataya sa St. Peters’ Square ay nanawagan ito ng suporta sa pagbabawal na ng pagbenta ng mga armas para hindi na maulit pa ang naganap na pamamaril.