-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy ang miyembro ng Philippine national underwater hockey team sa edad 41.

Kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang pagpanaw ng 41-anyos na atleta.

Ayon sa PSC na kasama niya ang 67-anyos na ina ng nasawi matapos na hindi sila makalabas ng kanilang bahay na nasusunog.

Nagwagi ng dalawang silver medals si Uy sa women’s 4×3 at women’s 6×6 events ng underwater hockey competition noong 2019 Southeast Asian Games.