Bumuhos ang pakikiramay mula sa fans at showbiz sa pagpanaw ng APO Hiking Society member na si Danny Javier.
Sa kani-kanilang mga social media ay ipinaabot ang kanilang pagdarasal at pakikiramay.
Nanguna dito ang grupong CompanY na nagpost pa ng larawan kasama ang singer at pinuri nila ang galing ng singer.
Ang kasama nito na sa grupo na si Buboy Garrovillo ang nagsabing hindi matatawaran ang pagmamahal ni Danny sa musika na kanilang ginawa.
Nagpost naman sa kaniyang social media si dating Senate President Tito Sotto kung saan ikinuwento niya na nakasama niya sa tugtugan ang pumanaw na singer noong dekada 70.
Habang nagshare din ng larawan ng pakikiramay si Senator Bong Revilla Jr.
Ang singer naman na si Richard Reynoso ay tial nawalan ng isang tao na kaniyang tinitingala kung ang pag-uusapan ay ang pagkanta.
Habang itinuturing na malapit na kaibigan at isang kapatid ng singer rin na si Dulce.
Magugunitang pumanaw ang 75-anyos na singer dahil sa kumplikasyon ng matagal na nitong sakit.