-- Advertisements --

Naka-display sa main lobby ng Korte Suprema ang 66 na paintings na gawa ng mga persons deprived of liberty sa New Bilibid Prison.

Ito ay sa ilalim ng aktibidad nila ngayong Valentine’s month na ‘Mga Pinta ng Pag-asa Mula sa Puso ng mga PDL.’

Ayon sa Public Information Office ng Korte Suprema, ang art collection na ito ay ang mga saloobin, emosyon, at pangarap ng mga PDLs sa Muntinlupa City.

Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang opening ng art exhibit kasama ang mga associate justices. 

Sa huling bisita ni Chief Justice Gesmundo sa New Bilibid Prison, nangako itong susuportahan ang rehabilitative initiatives para magkaroon ng bagong kakayahan at positibong personal at artistic growth ang mga PDLs.