-- Advertisements --

Itinuturing ni Senador Jinggoy Estrada na dissapointing o nakadidismaya at talagang hindi katanggap-tanggapap ang mga pahayag ng isang dating opisyal ng Palasyo na nag-uugnay sa kanyang ama, na si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada, sa umano’y kasunduan na kinasasangkutan ng pagtanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa isang panayam noong Martes, binanggit ni Harry Roque, dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ang kasunduan na tanggalin ang grounded Navy warship sa Ayungin Shoal ay iniuugnay kay Pangulong Estrada.

Pinasinungalingan ni Estrada ang pahayag na ito, at binanggit na maging ang hepe ng defense noon ng kanyang ama na si Orlando Mercado ay itinanggi na ang dating pangulo ay pumasok sa naturang kasunduan.

Mismong si dating Pangulong Estrada ang nag-utos ng pagbabawal sa BRP Sierra Madre noong 1999.

Itinanggi rin ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pahayag ng China, ngunit binanggit ni Estrada na mayroong “relative peace” sa West Philippine Sea noong panahon ni Arroyo, na, aniya, ay hindi nagsagawa ng anumang hakbang tungkol sa isyu.

Gayunpaman, pinuri naman ng senador ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga konkretong aksyon sa West Philippine Sea.