-- Advertisements --

Ibinunyag ng dating head ng vaccine expert panel sa bansa na kasalukuyang pinag-aaralan ng Food and Drug Administration (FDA) ang safety at efficacy ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga sanggol na anim na buwan pa lamang.

Ayon kay Dr. Nina Gloriani na patuloy pa rin na nag-evaluate ng vaccines para sa FDA bilang independent expert, mayroon ng isinumiteng aplikasyon sa FDA para dito at ito ay masususing sinusuri na ng mga eksperto kung ito bang pagtuturok ng bakuna sa mas murang edad ay makakabuti.

Ibinahagi din ni Dr. Gloriani na tanging ang Moderna pa lamang ang nakapagsumite ng aplikasyon sa ngayon para sa emergency use authorization ng kanilang bakuna para sa partikular na age group.

Kung maaalala, tanging ang mga batang edad limang taong gulang pataas ang pinapayagan na mabakunahan kontra covid-19 sa bansa.

Una naman ng inaprubahan sa ibang bansa partikular ang helath ministry ng Japan ang pagbabakuna kontra covid-19 para sa mga sanggol anim na buwan hanggang sa mga batang edad aoat na taong gulang.

Top