
Iginiit ng isang mambabatas na dapat iprayoridad ng Senado ang pagtugon sa inflation at dapat na taasan ang sahod sa halip na ipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Kinuwestyon ni Senator Risa Hontiveros kung talagang kailangan ang naturang pondo sa bansa matapos na maihain na sa Senado ang bersyon nito sa panukalang batas at nakatakdang pag-refer sa mataas na kapulungan ng bersyon ng Kamara sa Maharlika Investment Fund.
Ayon sa Senadora kaniyang masusing iinterpellate ang nagsusulong ng naturang panukala partikular ang mga ground kung bakit hindi kailangan at hindi aniya ito magbebenipisyo sa mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Aniya, maaari namang pag-usapan ang Maharlika Fund subalit hindi pa ngayon dahil hilaw pa ito at kailangan pa ng masusing analysis at pagtalakay dito.










