-- Advertisements --

Nagbabala si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa ginawang pagtigil ng Philippine Red Cross sa pagsasagawa nito ng COVID-19 test dahil sa napakalaking utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Posible raw kasing magresulta ito sa artificial decline ng nakukumpirmang kaso ng deadly viruis sa bansa.

Paliwanag pa ng senador, isa sa bawat apat na reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test na ginagawa sa bansa ay pinangangasiwaan ng PRC.

Dagdag pa ng senador, hindi malayong isipin ng publiko na unti-unti nang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit ang toto ay hindi naman sumasailalim sa coronavirus test ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs).

Responsibilidad din daw ng PhilHealth na bayaran ang kung anomang pagkakautang nito sa serbisyo ng PRC. Dapat din umanong isaisip ng state health insurer ang mahalagang papel nito supply ng mga frontliners.

Una nang inanunsyo ng PhilHealth ang umano’y procurement issue nito sa kasunduan kasama ang PRC na tinuturong dahilan kung bakit hindi ito nagbayad ng halos P1 million na utang.

Wala rin daw lugar ang mga ganitong uri ng isyu sa pakikipaglaban ng bansa sa deadly virus.

Saad pa ng senador na ang kasalukuyang isyu na kinsasangkutang ng PhilHealth ay halimbawa lamang kung gaano kabagal at kababa ang disbursement at procurement ng gobyerno upang isalba ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.