Kinalampag ni Albay Rep Joey Salceda ang senado na umaksyon na at ipasa ang Department of Disaster Resilience.
Giit ni Salceda dapat na magsisilbing “wake up call” sa gobyerno ang pagkamatay ng 20 katao sa Bicol sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Sa Kamara ay naipasa na ang DDR bill
sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ng mambabatas, isang nang “fact of life” ang kalamidad sa Pilipinas dahil sa mga aktibong bulkan, mas marami at malalakas na bagyo na rin ang pumapasok kada taon idagdag pa ang climate change.
Maaari aniya itong mabawasan kung may isang full-time agency na tutugon at maghahanda sa oras ng kalamidad.
Kung pondo aniya ang problema ay kaya naman itong hanapan ng Kamara.
Sa termino ni Cayetano bilang House Speaker natutukan ang pagpasa ng DDR alinsunud na rin sa direktiba ni PAngulong Duterte sa kanyang SONA subalit patuloy itong nakabinbin sa Senado.
Binigyang diin naman ng mga mambabatas na hindi na dapat pang hintayin na mangyari ang “the big one” para umaksyon dahil baka maging huli na ang lahat.