-- Advertisements --

Pumalo na sa 6,302 indibidwal ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa gun ban na nagsimula noong January 13 at magtatapos bukas, June 12.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, epektibo alas-12:00 ng hatinggabi bukas ay lifted na ang gun ban at hudyat na rin sa pagtatapos ng election period.

Sa mga lumabag aniya sa gun ban, 103 sa mga ito ay security guard, 45 ay PNP personnel, 25 ang militar, 92 local officials, at 90 iba pa ang law enforcement agencies.

Samantala, umabot na sa 6,259 baril ang nasamsam at narekober ng PNP sa iba’t-ibang panig ng bansa.