Binuweltahan ni House Deputy Speaker Robbie Puno ang akusasyon na mabagal ang House leadership sa pagtatalaga sa mga bakanteng posisyon sa iba’t-ibang komite sa Kamara.
Sa isang pulong balitaan, iginiit ni Puno na walang katotohanan ang alegasyon na ito dahil kompara sa 16th at 17th Congress ay ‘di hamak aniya na mas mabilis napunan ang mga bakanteng puwesto sa mga komite sa Kamara ngayong 18th Congress.
Ayon kay Puno, dalawang linggo matapos ang pagbubukas ng 18th Congress ay nasa 30 hanggang 35 percent na ang na-fill in na committee chairmanship.
Kaya kung titingnan, masasabi raw talagang mas mabilis kumilos ang kasalukuyang liderato ng Kamara kompara sa mga nakaraang Kongreso.
Nabatid na noong nakaraang linggo, 21 komite pa lang sa Kamara mula sa 75 komite ang organized.
Sa naturang bilang, 61 ang regular committees habang 14 naman ang special committees.