-- Advertisements --
(Update) ILOILO CITY – Tiniyak ng Iloilo City Government na iniimbestigahan na ang nabunyag na pagtapon ng mahigit sa 100 rapid test kits sa gilid ng kalsada sa San Vicente, Jaro, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) team, sinabi nito na sinisiyasat na nila ang mga closed circuit television footage malapit sa lugar.
Ayon kay Conlu, dapat ay may maayos na “handling and disposal” ng mga infectious waste dahil malaki ang posibilidad na kontaminado ito ng COVID-9.
Posible aniya na may isinagawang mass testing at nang makita ito ng basurero, basta itinapon na lang ito sa gilid ng daan.