-- Advertisements --

Kasalukuyang nagpapatuloy pa ang negosasyon sa posibilidad na pagtanggal na ng deployment ban sa Saudi Arabia.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Ass. Secretary Venecio Legaspi na mayroon silang team na mauunang pupunta Saudi Arabia para makipag-negosasyon hinggil sa naturang usapin bago ang nakatakdang pagbisita ni DMW Secreatary Susan Ople sa nasabing bansa.

Una rito, ipinatupad ang deployment ban sa mga household service workers dahil sa hindi pa nababayarang sahod ng mga overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.

Samantala, nasa kabuuang 344 distressed OFWs na ang narepatriated mula sa Saudi Arabia hanggang noong linggo. Ilan sa mga ito ang apat na OFWs na may medical conditions at lima naman ang sumaranas ng mental illness.