-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtanggal ng mahigpit na restriksiyon laban sa COVID-19 sa katapusan ng taong 2022 sa layong makapaghikayat pa ng mas maraming bibisita sa ating bansa ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.

Sa ginanap na 2022 Philippine Travel Exchange (PHITEX), ang pinakamalaking government led business to business trade event, iniulat ng Tourism secretary na nalagpasan na ng bansa ang projected 1.7 million inbound tourists ngayon pa lamang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batid din ng kalihim na mayroon pa ring agam-agam sa mahigpit na protocols sa mga nagpupunta sa bansa subalit malugod na inanunsiyo ng kalihim ang naging drirektiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagluluwag na sa mga mahigpit na restrictions sa katapusan ng kasalukuyang taon para lubos na maihayag na bukas na at handa ang bansa na tumanggap ng mga turista.

Subalit nakatakda pa lamang maglabas ng buong detalye ang DOT hinggil sa kung anong stringent restrictions ang ikinokonsidera ng pamahalaan na alisin na.

Ilan lamang sa ikinokonsidera ang hinggil sa facce mask policy subalit wala pang pinal na rekomendasyon, ikalawa ang One Health Pass na ginagamit para sa mga arriving passengers mula sa international flights na pinalitan na ng “eArrival card”.