Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na nagpasya na silang maalis ang New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.
Sinabi ni DOJ Secretary Crispin Remulla, na nakaplano na ang pagtatayo ng mga regional prisons sa bansa.
Inaasahan nilang pagdating ng 2025 ay magiging operational na ang hanggang apat na regional prisons.
Plano din nila ang pagpasok sa public-private partnership (PPP) kasama ang local government units para sa pagtatayo ng bagong kulungan at tuluyan ng maisara ang Bilibid.
Ibinase kasi sa mga pag-aaral ng eksperto na gaya ng ginagawa ng ibang bansa mas maganda ang magkaroon ng maliit na kulungan sa mga regional prison.
Target din nilang unahin ang pagtatayo ng super maximum sa Mindoro na popondohan ng national government.
Kapag natanggal na ang NBP ay gagawin na lamang itong government center para hindi na mahirapan pa ang gobyerno sa paghahanap ng mga lupain na pagtatayuan ng mga ito.