-- Advertisements --
Marami pang dadaanan ang pagtanggal ng excise tax sa mga produktong langis gaya ng panawagan ng ilang grupo para mapababa ang presyo ng produktong langis.
Sinabi ni Department of Energy Raphael Lotilla, na nasa kapangyarihan ng pangulo ganun din ang mga mambabatas ang nasabing usapin.
Makailang ulit aniya nila ng tinatalakay ito sa mga pagpupulong sa mga economic managers subalit kailangan pa ng mabusising pag-aaral.
Magugunitang nanawagan ang ilang grupo ng transportasyon na tanggalin na ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong langis para mapababa ang presyo nito sa bansa.










